Medical check-up appointment, naka-on line na

MAS madali na ngayon para sa mga pasyente ang pagpapa-schedule ng appointment for medical check-up o konsultasyon sa mga dalubhasa at mga manggagamot.

Lalo na kung maisasakatuparan ng PinoyMed.Com ang isa sa kanilang mga panghinaharap na balakin na gawing mas madali para sa publiko ang access sa mga serbisyong medikal.

Naglalaman ang Pinoy.Med.Com ng directory listing ng mga dalubhasa at experto sa medisina na maaaring konsultahin kaugnay sa mga kalagayang pangkalusugan ng publiko.

Maaari rin na makita sa naturang website ang mga sintomas ng mga nakamamatay na sakit at maging ang mga pangkaraniwang karamdaman ng tao.

Paliwanag ni Ginoong Harris R. Guevarra, Chief-Operations Officer ng Pinoy.Med.Com, kakailanganin pa munang iayos at iproseso sa kanilang IT department ang online medical appointment schedule upang ganap na maihatag sa publiko.

Kabilang sa mga posibleng benepisyo ng mga mamamayan kung maisasakatuparan ang naturang balakin ay ang hassle-free na consultation procedure.

Bago makapagpatingin ang isang pasyente ay kinakapanayam muna sila o interview portion na gamit ang index card ang mga tanggapan ng mga manggamot at tinatanong ng mahahalagang impormasyon ang mga pasyente.

Sa pamamagitan ng online schedule and appointment ay mapapadali ang proseso ng konsultasyon na hindi na mai-stress pa ang mga pasyente sa pagbibigay ng kanilang mahahalagang impormasyon habang nag-aapurang masuri ang kanilang sakit.

Kahit nasa bahay na convenient sa kanila ang lugar ay maisasagawa ang preliminaries via online at magtutungo na lamang sa doktor ang mga pasyente para sa aktuwal na pagsusuri.

Maiiwasan din ng ganitong proseso ang hassle sa pagpila at declogging sa mga klinika o pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply