Mega may konting tampo pa rin kay Piolo!

PINABULAANAN ni Marian  Rivera nang maka- tsikahan namin siya sa dramedy show niyang Tweets For My Sweet na siya ay buntis.

Pero paano niya dadalhin kung bigla siyang mabuntis?

“Paano ko iha-handle? Siguro hindi naman kasi ako… Natuto na ako. Hindi ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang paninidigan.Kapag ginawa ko yun, kapag nangyari yun sa akin, ibu-broadcast ko ‘yan,” sambit niya.

So willing na rin ba siyang magka-baby?

“Oo naman. Sino ba namang babae ang hindi gusto magkaanak, di ba? Gusto ko magkaanak.

Balang-araw, ako ang dancing lola, why not? Di ba? So, okay lang ako sa ganung bagay.”

Kailan niya gustong mabuntis?

“Gusto ko magka-baby? Hindi ko alam. Bahala na… bukas? Wala naman siya [Dingdong] rito,” tumatawa niyang sambit. “Hindi ko alam… siguro darating din, siguro may mga signs din naman. May mga bagay-bagay na napag-uusapan kung paano, kailan… kusa na lang dumarating na hindi pinaplano.”

Pero wala pa sa plano nila na magpakasal ni Dingdong. Marami pa raw siyang gustong gawin.

Bukod dito, tinanong din siya kung okey na sila ni Katrina Halili?

“Wala. Maayos ang lahat. Okay kaming lahat. Since day one naman, sinasabi ko, okay ako.

“Kahapon, nagkaroon ng chance na… sa wakas, nagkaroon kami ng chance na magkaeksenang dalawa at hindi pa kami nag-usap… salisi lang.

“So, lumapit naman kami, naglapitan kami sa isa’t isa—as in naglapitan kami.

“’Hi,’ ganun naman kami. Walang problema. “Masaya lang. Work lang tayo. Positive na lang muna,” aniya pa.

Sa linggo, May 6 magsisimula ang Tweets for My Sweet ng GMA 7. Kasama rito sina Roderick Paulate, Sheena Hali-li, Chef Boy Logro, Elmo Magalona, Barbie Forteza, Mikey Bustos at Ms. Nova Villa. Ito’y sa direksyon ni Uro dela Cruz.

o0o

KINUMUSTA namin si KC Concepcion kay Sharon Cuneta.

“KC is fine. You know what, I’m happy to tell you that she is very very happy now. You will see naman, e! Nagpatawad na siya at nag-move-on sa Piolo (Pascual) issue. My prayer also ay mag-move-on na rin ‘yung mga sumama rin ang loob siguro dahil sa break up. Pati ako ay nag-move-on na rin dahil nag-move-on ‘yung anak ko. Anuman ‘yung feelings ko noon, alam mo nasaktan ako dahil minahal ko si PJ,e! winelcome ko siya with open arms. Pero na-forgive na siya ni KC, ako pa?

“Ang akin lang is, sana man lang ay nag-text siya or nagpakita siya. Kasi alam mo ba since na naging official girlfriend niya si KC, hanggang sa nag-break sila, hanggang sa araw na ito, nag-uusap  tayo, never siyang nagpakita sa akin. Never!

“Parang hindi kami sanay sa ganoon. Di ba nu’ng officially boyfriend na siya, di ba dapat, the decent thing dapat sana para mag-bonding ay magpakita ka sa bahay. Nu’ng lumiligaw ka naman, welcome ka rito, e!

“Pasensya na rin po kung may mga nasabi ako afterwards pero siyempre anak ko ‘yun. Kasi pinapasama pa ng ibang tao ‘yung anak ko. Walang ganunan…kasi pag ganun magsasalita ako. Hindi naman ako ‘yung type na makipagbangayan pa sa hindi naman kailangan. Nirerespeto ko ang lahat ng tao na nagtatrabaho lang, di ba?”

Nili-link ngayon si KC sa isang foreign singer?

“Naku, tawang-tawa ako diyan. Si KC..after ng relationship with Piolo, hindi naman sa na-trauma pero maingat. Ingat na ingat siya. So, ang feeling niya is Diyos ko lalo na ito… British…ano ito..hahahaha. Mukhang napakabait naman nu’ng bata..yung lalaki nagte-text, nagti-tweet. Pero my God, kung saan-saang bansa magpe-perform ito. Kung ‘yung Filipino nga , nakakatakot, e kagagaling lang niya rito kay Piolo… baka ma-one million times ang pain niya pag sakali,” sambit pa ni Mega.

Hindi pa raw ready ngayon si KC na umibig ulit.

Natuwa ba siya sa pagpapa-sexy ni KC  sa mga pictorial niya sa magazine?

“’Yung totoo, hindi. Ha!ha!ha! Nu’ng unang-una kong kita sa cover. Sabi ko, ay naku anak, kitang-kita puwet ko ‘yan. Ha!ha!ha! Tapos sabi ko, kumusta naman ‘yung inside pages? Nu’ng makita ko, pinagalitan ko siya pero aanhin mo, e, disente pa rin naman ‘yung anak ko, nakatakip pa naman ‘yun. Wala namang balak mag-bold star. At saka, hindi niya ginawa ‘yun dahil nasiraan siya ng ulo at nag-break sila. Hindi totoo ‘yun. Ginawa niya ‘yun dahil super work-out siya  nu’ng mga panahong ‘yun. So, after Cosmo, sabi niya mama may isa pa po ‘yung Cosmo. Ang tanong ko, ano ang suot mo? Sabi niya,’ two piece’. A, hindi bale dream ko naman ‘yan. Isuot mo na. Mauna ka na. ha!ha!ha! tapos sinabi last na ‘yun,” kuwento pa ni Mega.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply