Memorial fund binuksan para sa napatay na Pinay

ISANG memorial fund ang binuksan ng isang samahan para kay Kathleen Ping, ang Pinay na napatay sa naganap na shooting spree sa  Christian college sa California nitong Lunes.

Binuksan ng Wells Fargo ang account na Kathleen Ping Memorial Fund para sa mga nais tumulong sa kanyang funeral expenses.

Napatay ang biktima nang walang habas na magpaputok ng baril ang isang Korean national sa loob ng isang classroom sa Oikos University kung saan nagtatrabaho si Ping bilang secretary.

Lumalabas na ang mister ni Ping ay nasa Pilipinas nang maganap ang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply