Menor de edad kritikal sa boga ng 5-anyos

KRITIKAL ngayon ang kalagayan ng isang menor de edad matapos na aksidenteng mabaril ng improvised homemade gun o “boga” sa leeg ng kaibigan nitong limang taong gulang habang namamaril ng ibon.

Base sa police report, kasalukuyang inoobserbahan sa Eastern Visayas Regional Medical Center ang biktimang kinilala sa pangalang Tagoy, residente ng Marabut, Eastern Samar.

Posibleng isalang ang biktima sa maselang operasyon sanhi ng tinamong tama ng holen na ibinala sa boga.

Ayon sa mga nakasaksi, namamaril ng ibon ang biktima kasama ang bata nang biglang kalabitin ng suspek ang gatilyo ng baril na nagkataon namang nakatutok sa leeg ng binatilyo.

Agad namang isinugod sa ospital ang binatilyo matapos na bumaon sa leeg nito ang balang holen.

Wala namang plano ang pamilya ng biktima na magsampa ng reklamo sa bata dahil hindi naman umano sinasadya ang nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply