Metro Manila balik number coding na

INANUNSYO na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na balik na ang number coding sa Metro Manila ngayong araw matapos ang Lenten season.

Dahil dito, ang mga sasakyan na may plate number na nagtatapos sa ‘3’ at ‘4’ ay hindi pwedeng bumiyahe simula kaninang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 mamayang gabi.

Ang number coding scheme ay pansamantalang sinuspinde ng MMDA noong April 2 hanggang kahapon, April 9 para bigyang daan ang mga pasaherong umuwi sa mga probinsya noong Holy Week.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply