Metro Traffic Watch Program itinatag ng MMDA

UPANG ganap na maayos ang daloy ng trapiko sa bawat lugar, itinatag ng Metro Manila Autority (MMDA) ang Metro Traffic Watch Program.

Sa nasabing programa, magkakaroon na ng tungkulin ang mga komunidad at mga pribadong indibidwal sa pangangasiwa ng trapiko sa kani-kanilang teritoryo.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino kanilang pag-iisahin ang puwersa ng barangay, homeowners associations, traffic experts at academicians sa itinatag na metro traffic watch.

Gagamitin sa programa ang non-government at civic organizations para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa mga secondary road at inner streets sa Metro Manila.

Ayon kay Tolentino, sasailalim sa training sa MMDA Traffic Academy ang mga “community traffic aides” bago ikalat ang mga ito para tumulong sa traffic management.

Binigyang-diin ni Tolentino na malaking tulong sa MMDA ang barangay officials at mga residente na higit nakakaalam sa daloy ng trapiko at pasikut-sikot sa kanilang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply