Mga aksidente sa escalator, elevator sisiyasatin ng Kamara

DAHIL sa tumataas na aksidente sa mga elevator at escalator ay isinulong ng isang kongresista na imbestigahan na ito sa Kamara.

Nais ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman sa kanyang inihaing House Resolution 2228 na dapat siyasatin ng Kamara ang mga insidente sa elevators at escalators upang maiwasan ang pagkamatay at anumang pinsalang nalilikha nito.

Ilan sa mga insidenteng tinukoy ng kongresista ay noong  January 2011 at February 2012 nang tumigil bigla ang escalator sa MRT na naging dahilan para matumba ang mga tao.

Maging ang pagbagsak ng elevator mula 9th floor sa Lansbergh Place Condominium sa Tomas Morato, Quezon City kung saan tatlo ang sugatan at ang pagkakaipit ng apat na oras ng isang bata sa escalator sa Puregold Caloocan.

Dagdag pa ni Pangandaman hindi lamang mga aksidente sa mga mall at condominium nangyayari ang naturang biglang aberya sa mga elevator at escalator dahil maging sa mga construction site ay nararanasan din ito.

Sa nasabing gagawing pagsusuri, mabibigyan ng tamang qualification, regular maintenance at pagtse-check ng operasyon ang mga elevator at escalator sa lahat ng gusali ng hindi na maulit ang malalalang aksidente. (meliza maluntag)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply