Mga dating Goin’ Bulilit star umaarya sa telebisyon!

MAHUSAY talaga ang mga batang nanggaling sa gag show na Goin’ Bulilit ng Dos. At dahil sa mahuhusay sila, halos lahat sila ay nabibigyan ng mga proyekto sa pelikula at maging sa telebisyon.

Ngayong malalaki na sila ay lalo pang humuhusay ang mga batang ito sa pag-arte.

Patunay na lamang dito ay sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Si Kathryn ang bida sa bagong seryeng “Princess and I,” na balita ay mataas din sa rating game.

Bida naman si Julia sa Walang Hanggan na ngayon ay hindi pa rin maungusan ng mga kalabang programa kung rating din ang pag-uusapan.

Ang mga bida sa Luv U na sina Kiray Celis (kasama sa pelikulang “The Mommy Returns), Igi Boy at Miles Ocampo ay mula rin sa Goin Bulilit. Maganda ang feed back sa Luv U lalo na sa Facebook at Twitter.

Mula rin sa Goin’ Bulilit, ang isa sa tinagurian noong child wonder kung aktingan ang pag-uusapan, na si Sharlene San Pedro. Magbibida ngayong Sabado si Sharlene sa isang magandang episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan gaganap siya bilang isang batang ina.

Challenging kay Sharlene ang role na ito at sa pagkakaalam ko ngayon lang siya mabibigyan ng totoong mature role. Sa Going Bulilit kasi noon ay madalas silang gumanap na matanda ngunit kulitan at kalokohan naman ang approach dahil nga gag show.

Isa pa sa mga dating Goin’ Bulilit star na nabigyan ng big break ay itong si Ella Cruz.

Nagmarka ang kanyang karakter bilang batang Cristine Reyes sa top-rating serye na “Dahil sa Pag-Ibig.”

Si Ella Cruz rin ang magbibida sa bagong fantaserye na “Aryana” na aarya na ngayong summer.

Makakasama niya sa magical serye na ito ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Tonton Gutierrez, Pokwang, Laurice Guillen, Desiree del Valle, Lotlot de Leon at Tetchie Agbayani.

Ito ay sa direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply