Mga dyip pangunahing dahilan ng polusyon sa MM

INAMIN ngayon ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP) na ang mga public utility vehicle, partikular ang mga dyip ang pangunahing dahilan ng polusyon sa Metro Manila.

Ayon kay Orlando Marquez, national president ng LTOP at spokesman ng 1 United Transport Alliance Koalition (1-UTAK) sinang-ayunan nito ang pahayag kamakailan ng Philippine Medical Association (PMA) na 80 porsiyento ng polusyon sa Metro Manila ay mula sa mahigit 3.2 million sasakyan na bumibiyahe sa kalsada.

Sa isang telephone interview sinabi ni Marquez na ang lahat ng makina ng pampasaherong dyip na bumibiyahe sa buong bansa ay surplus o re-conditioned.

Sinabi pa ni Marquez na ang gobyerno ang siyang may responsibilidad sa naturang suliranin sa polusyon. Aniya hindi seryoso ang pamahalaan para lutasin ang problema ng polusyon sa bansa.

Idinagdag pa ni Marquez na maraming bogus na Private Emission Testing Centers (PETCs) na nakikipagsabwatan sa iligal na aktibidades na nag-iisyu ng emission certificates na hindi nagsasagawa ng aktuwal na inspection (non appearance transactions).

Ayon pa kay Marquez, ang transportation sector ay binubuo ng Inter-Government Agencies (Department of Transportation and Communications, Department of Environment and Natural Resources, Department of Trade and Industry, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board and Department of Health) upang magkaisa sa pakikipaglaban sa polusyon sa Kamaynilaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply