Mga guro ayaw manlimos ng donasyon kay Gov. ER Ejercito

SA IKALAWANG pagkakataon ay muling tatanggap ng parangal si Gov ER Ejercito para sa kanyang epektibong pagganap bilang Asiong Salonga sa pelikulang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.”Pararangalan din si Aga Muhlach ng mga dalubguro para sa pelikulang “In The Name of Love.” Matatandaang una silang nagtabla sa nakaraang STAR AWARDS FOR
MOVIE ng PMPC kailan lang.

Sa pakikipagmiting ng mga dalubguro na bumubuo ng Gawad Pasado sa ilang miyembro ng press ay natanong ang pangulo ng samahan na si Dr. Emmanuel S. Gozales ng Far Eastern University kung nakahiningi na ba sila ng donasyon mula sa mabait ng gobernador ng Laguna. “Sa bagay na ‘yan, huwag muna para makaiwas sa intriga. Hindi kami hihingi ng anumang donasyon mula sa nominadong artista sa ika-14 na Gawad Pasado lalo kay Gov. ER na hindi lamang siya nominado kundi winner rin.”

Ayon pa rin kay Dr. Gonzales, susubukan nilang manghingi ng donasyon kung mayroon silang pinaplanong proyekto bilang pandagdag sa kanilang pundo. “Puwedeng mangyayari ito pagkatapos ng Gawad Pasado na gaganapin sa April 28, 2012 sa Angelicum College. Nakadepende rin ito kung kailan kami magkaroon ng proyekto.”

Sa listahan ng mga winners, masasabing ‘surprise’ winner si Bangs Garcia at talagang ikinagulat ang pagkaroon nito ng maraming boto laban kina Carmi Martin (No Other Woman), Lovi Poe (My Neighbor’s Wife), Eugene Domingo (My House Husband, Kaw Na!) at Techigbayani (Thelma).

Ayon kay Prof. Arthur P. Pizarro na nagtuturo din sa Far Eastern University, “Actually, she was a surprise winner. Sa dileberasyon ay hindi namin siya napag-usapan pero there were students and co-teachers requested us to consider the actress dahil na-outshine raw nito sa aktingan si Kris Aquino.”

Ang sumusunod ay mga Pinakapasadong Artista sa 201: Para sa PINAKAPASADONG PELIKULA ay nakuha ito ng In The Name of Love (Star Cinema), Asiong Salonga (Scenema Concepts) at “Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa” (PDL Entertainment).

Para sa PINAKA-PASADONG DIREKTOR ay napanalunan ito nina Olivia M. Lamasan (In The Name of Love) at Alvin Yapan (Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa).

Para sa PINAKA-PASADONG AKTRES ay napanalunan ito nina Angel Locsin (In The Name of Love) at Anne Curtis (No Other Woman). Gaya ng aming unang nabanngit, ang PINAKAPASADONG AKTOR ay napanalunan nina Aga Muhlach at ER Ejercito.

Ang PINAKAPASADONG KATUWANG NA AKTOR ay napanalunan ni Paulo Avelino sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.
Sa PINAKAPASADONG KATUWANG NA AKTRES ay napanalunan ito ni Bangs Garcia para sa Segunda Mano.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa major awards na na nakakuha ng pasadong marka mula sa mga dalubguro. Bilang karadagan, magbibigay din sila ng MGA NATATANGING GAWAD NG PASADO SA 2011at kabilang sa mga pasado ay sina Kim Chiu at Enrique Gil para sa PINAKAPASADONG DANGAL NG KABATAAN. Tatanggap din si Eddie Garcia ng PASA- DO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD. May ilan pang mabibigyan ng parangal pero ang malaking katanungan ay ang pagda- lo nina Gov Vilma Santos-Recto at Sen Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. na natatanggap ng GAWAD PASADO SA
SERBISYO PUBLIKO. Ganun din sina Richard Gutierrez at Kim Atienza na gagawaran ng GAWAD PASADO SA KAMALAYANG PANLIPUNAN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply