Mga inaresto sa demolisyon sa Silverio Compound nagpiyansa na

PALALAYAIN na ngayongg hapon ang 29 sa 30 mga residente ng Silverio Compound na pinagdadampot ng mga pulis sa kasagsagan ng marahas na demolisyon sa lugar noong Lunes, matapos na makapagpiyansa.

Ayon kay Shiela Bernal, tagapagsalita at pangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa Silverio Compound, kanilang pinaghahandaan na ang masigabong pagsalubong sa kanilang mga kasamahan sa oras na makalabas ang mga ito sa detention center ng Parañaque City Police.

Kabilang sa inaasahan nilang makakalabas ngayong araw ang residente na sinasabi ng Southern Police District na nagpositibo sa paraffin test na si Victor Etrata.

Ang isang maiiwang nakasuhan ng panggugulo sa Silverio Compound ay pansamantalang mananatili sa kustodiya ng Parañaque City Police matapos itong kumuha ng sariling legal counsel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply