Mga Katoliko hinimok na makiisa sa Easter Sunday

HINIMOK ni Tuguegarao City Archbishop Sergio Utleg ang mga Katoliko na makilahok bukas sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Ito aniya ang pinakamahalagang okasyon sa kalendaryo ng Simbahang Katoliko.

Paliwanag ng arsobispo, na walang kabuluhan ang ating mga sakripisyo kung hindi muling nabuhay si Hesukristo sa pagtubos sa kasalanan ng sangkatauhan.

Sinabi pa ng arsobispo na dapat lamang na magpasalamat at makibahagi ang lahat bukas sa muling pagkabuhay ni Jesus matapos tayong makiisa naman sa paggunita ng kanyang paghihirap at pagsasakripisyo dahil sa ating mga kasalanan.

“Nakikiisa tayo sa Panginoon, we share Him His sufferings dapat we also share Him His resurrection and victory kaya magpasalamat tayo at ang pinakamagandang pasasalamat ay yong pakiisa sa buong simbahan sa pagsisimba at Easter vigil,” ayon kay Utleg.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply