Mga lumang eroplano sa General Aviation area pinaaalis ng MIAA

NANAWAGAN ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga may-ari ng mga lumang eroplanong nakahimpil sa General Aviation area na tanggalin ang mga ito upang lumuwag ang nasabing lugar.

Ayon kay MIAA general manager Jose Angel Honrado, binibigyan lamang ng 30 araw na notice ang mga may-ari na ma-claim ang mga eroplano pagkatapos ay maniningil na ang authority ng P31.54 per square meter bawat buwan, o isasalang ang mga ito sa auction.

Ani Honrado, ang lugar na kinalalagyan ng mga luma at sirang eroplano ay gagamitin na ng MIAA para sa operational requirements.

Ang mga eroplanong gustong ipatanggal ng MIAA ay ang limang DC-9 S32 na pag-aari ng Orion; isang Antonov AN-26B; Super Constellation na pag-aari ni William Crawford; tatlong DC-3 na pag-aari nina Gemino Pilapil, Jacob S. Lim at Max Manning; isang Grumman AA-1A Yankee, at isang Cessna 150.

Binigyang-diin ni Honrado na nagsisilbing “eyesore” ang mga sira-sirang eroplanong nakahimpil sa General Aviation area, kaya nanawagan ito sa mga may-ari na makipag-ugnayan sa MIAA legal office, Business Development at Concession Management Department.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply