Mga pagkain na dapat iwasan

SA kabuuan para sa maganda at malusog na dugo…kinakailangang magbawas sa maaalat na pagkain. May caffeine, puting harina, mga pagkaing prito na lubog sa mantika, alak, nicotine, may preservatives, asukal, mga artipisyal na pampalasa at pangkulay sa pagkain.

1. ASIN – Tuwina ang maalat na asin ay palaging kasama sa mga ipinagbabawal sa mga pagkain ng may sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, may osteoporosis at nitong huli sang-ayon sa masusing pag-aaral ang pagkain ng maaalat ay katulad ng pagtaas ng pagkakaroon ng cancer sa tiyan, esophagus (lalamunan) at bladder (pantog).

Sa halip gumamit ng herbs (damong gamot) at spices (pampalasa) sa mga lutuin. Ilan sa mga pampalasang ito ay fennel, bawang, basil at tarragon na pawang nagtataglay ng mga sangkap na kapaki-pakinabang laban sa hypertension. Ang suka ay mainam din.

2. KAPE – Para sa mga taong hindi nakakainom ng caffeine sa araw-araw… ang caffeine ay nagiging sanhi ng pansamantala ngunit mabilis na pagtaas ng presyon ng dugo na hindi malaman ang pinagmulan. Sang-ayon sa iba ang caffeine ay nakapagpapaliit o nakapagpapasikip ng daluyan ng dugo sa pagpigil sa epekto ng adenosine, isang uri ng hormone na nakapagpapanatili ng maluwag na daluyan ng dugo. Ang caffeine ay maaari ring pagmulan at maging dahilan para ang adrenal gland ay maglabas ng cortisol at magpataas ng blood pressure.

Sa halip na magkape, uminom na lang ng green tea. Ito ay may kapasidad na  magpababa ng  panganib na may kinalaman  sa mga sakit sa puso kasama ang pagtaas ng presyon at hindi normal na pamumuo ng dugo sa daluyang ugat, ang Japan ang may pinakamalawak na pagsasaliksik na isinagawa tungkol sa green tea at dito rin sa bansang ito ang may naitalang pinaka may mababang bilang ng nagkakasakit sa puso sa buong mundo.

3. REFINED SUGAR – Asukal na puti. Ang isang Amerikano ay may nako-konsumong halos 240 pounds ng asukal sa buong taon at karamihan sa nakonsumong asukal na iyan ay naiimbak sa katawan bilang taba at napagpapataas ng timbang at tumataas ang tsansa ng pagkakasakit sa puso at cancer. Ang asukal ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng dugo lalo na sa mga taong matataba o sobra sa timbang.

Ang ipamalit sa asukal ay honey. Ang honey ay nagtataglay ng mga bitamina at minerals na (wala sa refined sugar.) nakatutulong pa sa kalusugan. Sa halip na refined na matatamis, kumain ng sariwa at matamis na prutas at berries.

4. ALAK – Ayon sa mga pag-aaral na naisagawa, ang madalas at malabis na pag-inom ng mga inuming nakalalasing tulad ng alak ay nakasasama sa kalusugan at nagiging sanhi rin ng  pagtaas ng presyon, at lagi ring isa isip na ang alak ay may taglay na calories na nakapagpapataba at pagtaas ng timbang. Nangyayari rin na may masamang epekto ang pag-inom ng alak sa mga umiinom ng gamot sa taong may mataas na presyon.

Ipamalit ang mga hindi nakakalasing na inuming gaya ng tubig na filtered na at may lemon, na sa katagalan ay makagaganda pa ng kalusugan. Ang high blood ay seryosong bagay kung kaya dapat lang na pagtuunan ng pansin. Itigil ang anumang ginagawang pag-inom ng anumang gamot. Kumunsulta sa manggagamot bago magpalit ng mga pagkain na kakainin.

Inaasahan ko na nakatulong ang mga natalakay rito kung ano ang mga pagkain na tamang piliin at mga pagkaing dapat iwasan para sa presyon ng dugo.

Kayo ay  inaanyayahan ko na  magbasa ng Remate at ibahagi ang inyong nalalaman (Tips) tungkol sa mga pamamaraan upang humaba ang buhay.

About Gwenn

2 Comments

  1. jordan

    April 12, 2012 at 1:19 pm

    Thank you for always give us advice….please give us more tips for our health.

  2. Kirstin belo

    May 3, 2012 at 3:41 pm

    Ano po bang mga pagkain na madaling mailuto at masustansya para sa isang 5 yrs.old na bata na mag aaral.Pwede po ba ung mga hotdogs at tocino longganisa,chicken nuggets para sa lunch baon nya sa school?.Salamat po sa pag sagot..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>