Mga palaboy, bibigyan ng trabaho ng NPDC, DSWD

MABIBIGYAN na ng trabaho ang mga palaboy sa kalsada.

Ito’y makaraang nagsanib puwersa ang tanggapan ng National Parks Development Committee (NPDC) at Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) upang mabigyan ng pagkakataong magkatrabaho ang mga palaboy sa kalsada sa Metro Manila partikular sa mga kalsada na nakapalibot sa Rizal Park.

Layon ng nasabing proyekto na mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang homeless sa paligid ng Luneta.

Paliwanag ni NPDC Executive Director Juliet H. Villegas, imbes bigyan ng limos na nagiging dahilan kung bakit ang mga ito ay patuloy lamang na nagiging “tamad” at iresponsable” sa paghahanap ng kanilang matino at regular na hanapbuhay ay kailangan nang bigyan ng pagkakataong magkaroon sila ng maayos na trabaho.

Nabatid naman kay Estelita Laraya, Chief ng NPDC-Park Relations, na tinatayang 200 street dwellers ang mayroon sa kasalukuyan ang mabibigyang ng hanapbuhay sa Rizal Park na may edad 18-59-anyos.

Ilan sa mga posisyong nakuha ng mga ito ay bilang park maintenance gaya ng sweeper; electrician, gardener; at janitor na may sweldong P303 kada araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply