Mga preso ng Manila City Jail makaboboto

TINIYAK ngayon ng pamunuan ng Manila City Jail (MCJ) na igagalang nila ang “right to suffrage” ng mga preso at siguradong  makaboboto ang mga kuwalipikadong botanteng nakakulong sa May 2013 midterm elections.

Ito ay matapos na isagawa ang registration ng mga qualified voter na sinaksihan ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) at barangay.

Ayon kay MCJ Warden, Sr. Supt. Ruel Rivera, umaabot sa 794 na inmates ang nakapagpareshistro na at handa nang iboto ang kanilang mga pinagkakatiwalaang mamuno sa bansa sa susunod na taon.

Sinabi ni Rivera na 1116 pang mga inmates ang nakatakdang magparehistro sa susunod na buwan. Umaabot sa 1910 ang registrant ng MCJ.

Nabatid na sa ang mga detainee ay kinabibilangan ng 513 para sa District 1, 376 para sa District 2, 304 sa District 3 at 255 sa District 4; 291 sa District 5 at 171 sa District 6.

Paliwanag ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento, na may karapatan pa rin ang mga inmate na bumoto hanggang walang final conviction na iginagawad sa kanila.

Kasama ni Sarmiento sina Atty. Jubil Surmieda, Director III, Comelec NCR, Atty. Rafael Olano, Assistant Director Comelec NCR at Brgy. Chairman Thelma Lim ng Brgy. 310 Zone 31.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply