Mga residente ng Silverio Compound sumugod sa Parañaque City Hall

NAGLUNSAD ng kilos-protesta ang humigit kumulang sa 500 residente ng Silverio Compound sa harap ng Parañaque City Hall ngayon umaga.

Binarikadahan ng mga raliyista ang bulwagan ng Parañaque bilang protesta sa napipintong demolisyon sa kanilang lugar.

Nabinbin ang transaksyon sa lokal na pamahalaan, maging ang nakatakdang pagpupugay sa bandila ngayong umaga dahil sa mga residenteng nagpoprotesta sa paligid ng City Hall.

Maliban dito, nagdulot din ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasabing kilos-protesta.

Tinatanong ni Shiela Bernal, tagapagsalita ng residente ng Silverio Compound, kung ano na ang nangyari sa ordinansang ipinalabas ng dating namumuno sa lokal na pamahalaan para sa murang pabahay at lupa sa ilalim ng Community Mortgage Program upang mapasakanila na ang
tinitirahang bahay.

Sinabi pa ni Bernal, na nagbayad pa ang lokal na pamahalaan ng P10 milyon bilang paunang bayad noong panahon ni dating Mayor Joey Marquez sa korte para lamang mapagkalooban na sila ng writ of possession.

Pero ngayon, nakatanggap na ng notice of eviction ang mga residente para lisanin ang kanilang mga bahay na nakatirik sa mahigit na siyam-na-hektaryang lupain.

Nabatid na patatayuan ng condominium ng kompanyang pag-aari ng isang mayamang negosyante ang nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply