MIAS nanatiling pinakamalaking motoring event sa ‘Pinas

SA PANGUNGUNA ng Worldbex Services International, matagumpay na namang naidaos ang Manila International Auto Show (MIAS) na ngayon ay nasa ikawalong taon na.

Hind mahulugan ng karayom ang World Trade Center sa Pasay noong nakaraang March 29 hanggang April 1 dahil sa dami ng bumibisita sa exhibit araw-araw.

Maliban sa 13,000 square meters indoor exhibit hall ng WTC, idinagdagdag pa ng Worldbex Services International ang isang 3,000 sq.meter fully-airconditioned tent, at inextend pa ang kanilang exhibit hanggang sa katabing building,ang PTTC (Philippine Trade Training Center). Umabot sa 30,000 sq.meters ang kabuuang sukat ng exhibit area ng 2012 MIAS, kasama na rito ang 6,000 sq.meters na outdoor at stunt performance na area. Dahil rito, ang MIAS ay itinuturing na pinakamalaking annual motoring event sa bansa.

Ngayong taon, damang-dama ang presensiya ng mga European brands gaya ng BMW, Mercedes-Benz, Maserati at MINI. Present rin ang ilang motorcycle brands gaya ng Vespa, Piaggio, at Royal Enfield na hindi rin pinalampas ng mga bumisita; ang isa namang kilalang car customization shop sa bansa ay nag-display ng kanilang bersyon ng mga negosyo vans. Kabilang naman sa mga exhibitors sa tent area ay mga aftermarket companies at iba pang kompanyang may negosyong may kinalaman sa mga sasakyan.

Present din ang mga Asian carmakers gaya ng Foton, Subaru, Toyota, Honda at Hyundai, na siyang maituturing na big winner of the year. Maliban sa pagkakaroon ng isa sa pinakamalaking exhibit area sa MIAS, ang kanilang Elantra rin ang pinarangalang 2011-2012 Car of the Year ng CAGI (Car Awards Group Inc.,).

Ang CAGI awards night ay ginanap noong unang gabi ng MIAS 2012 kung saan ang Hyundai at Mitsubishi ay humakot ng mga parangal.

Ang sumusunod ay listahan ng mga nagwagi sa bawat category:

Basic Subcompact Car – Kia Picanto 1.0 M/T
Subcompact Car – Suzuki Swift 1.4 A/T
Compact Car – Hyundai Elantra 1.8 GLS A/T
Crossover – Kia Sportage 2.0
Luxury Mid sized Car – Volvo S60 T4
Luxury Compact Crossover – MINI Countryman S
Midsize SUV 4×2 – Mitsubishi Montero Sport 4×2 M/T
Midsize SUV 4×4 – Mitsubishi Montero Sport GTV 4×4 A/T
Luxury SUV – Ford Explorer V6 AWD
Pickup 4×2 – Mitsubishi Strada 4×2 A/T
Pickup 4×4 – Mitsubishi Strada 4×4 A/T

Special Awards:

Standard Insurance Worry-Free Award – Chevrolet Cruze Diesel
BOSCH Technical Innovation Award – My Ford Touch Sync (Ford Explorer)
AAP Road Safety Award – Volvo S60
Papa J’s Best Value Award – Kia Picanto 1.0 M/T
Caltex with Techron Enjoy the Journey Award – Nissan Teana 350XV
Cartrige World iSwap iCare Award – Suzuki Swift 1.4 A/T
All Terra All Activity Vehicle Award – Toyota Hilux 3.0G 4×4
Victoria Court Most Spacious Award – Foton MPX 2.8L CRDi Long Wheelbase
Red Rock Travel Most Affordable Car Award – Lifan LF320 M/T
Speedlab Tuner’s Choice Award – Hyundai Elantra 1.6 M/T
Clark International Speedway Motorsports Award – Tuason Racing School and Ford Group Philippines (TRS Cup powered by the Ford Fiesta)

Umabot sa halos 88,600 ang dumalo sa 2012 MIAS: Life in the Fast Lane, na pinangunahan nina Alvin Uy at Jason Ang ng Worldbex Services, at ng BPI Family Autoloan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply