Midas Marquez muling binatikos ng prosec

MULING umani ng pagbatikos mula sa prosekusyon si Supreme Court spokesperson Midas Marquez matapos itong magkomento sa kaso ni Justice Secretary Leila de lima.

Dahil dito, nanawagan si House Deputy Speaker at prosecution spokesman Erin Tañada II sa SC na patawan ng parusa si Marquez dahil pinangungunahan umano nito ang kaso ni De Lima na nakahain sa SC.

“He (Marquez) is not the Supreme Court. Or maybe Marquez is only mouthing the thoughts of Corona,” ani Tañada.

Iginiit ni Tañada na ang ginawang aksyon ni De Lima ay hindi paglabag sa kautusan ng SC kundi sinusunod  lamang niya ang batas dahil hindi pa nakakasunod si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kondisyon ukol sa hinihingi niyang temporary restraining order.

Ang iba pang kaso na binanggit ni Marquez ay wala ring kaugnayan sa GMA-temporary restraining order issue maliban sa kaso ni dating Congressman Jovito Palparan na konektado sa dating pangulo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply