Mike Arroyo pinayagang makabiyahe ng S’bayan

PINAYAGAN na ngayon ng Sandiganbayan ang hirit ni dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo na makabiyahe sa Japan at Hong Kong.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 4th Division, pinayagan si Arroyo na manatili sa Japan mula May 3 hanggang May 6 at May 7 hanggang May 10 naman sa Hong Kong para sa kinakailangang pahinga.

Nagbayad si Arroyo ng P90,000 bilang travel bond.

Upang magbigay ng katiyakan na babalik sa Pilipinas, ay nagbayad si Arroyo ng P90,000 imbes na P30,000 na katumbas ng kanyang bail bond.

Ayon kay Atty. Edna Batacan, sa oras na makabalik si Arroyo ay agad itong magre-report sa Clerk of Court.

Kasama ng dating unang ginoo ang kanyang business delegation.

Tiniyak ng kampo ng dating first gentleman na wala itong balak na takasan ang kinakaharap na  kaso na may kaugnayan sa NBN-ZTE deal anomaly.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply