Mikey Arroyo, misis binasahan na ng sakdal

BINASAHAN na kaninang umaga ng sakdal sina Ang Galing Partylist Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo at asawa nitong si Maria Angela sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 100 sa isinampang tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Justice (DOJ).

Gayunman, hindi na binasahan pa ng information sheet ang mag-asawa at hindi na rin sila nagpasok ng anomang plea.

Ayon sa abogadong si Ruy Rudain, pumayag na silang matuloy ang arraignment dahil pupunta ang mag-asawa sa Estados Unidos sa katapusan ng buwan at babalik sa Hunyo.

Dahil dito, si Justice Maria Cristina Jacob na lamang ang nagpasok ng not guilty plea para sa mag-asawang kliyente.

Itinakda sa Mayo 31, ng alas-3:00 ng hapon ang pre-trial conference habang sa Hunyo 7 naman ang pre-trial proper.

Pinayagan na rin ng korte ang mosyon ng mag-asawa na nagsasabi na hindi na sila makadadalo dahil sa kanilang biyahe sa Estados Unidos.

Nahaharap ang kongresista ng three counts ng tax evasion at seven counts naman sa asawa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply