Militanteng grupo nagprotesta vs SM contractualization

NAGPROTESTA ang mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at Anakpawis sa SM City North Edsa upang isatinig ang pagtutol sa contractualization ng pamunuan ng naturang mall.

Ayon sa mga militante, ito ay maituturing na paglabag sa karapatan ng manggagawa kung saan siyam anila sa 10 empleyado ay contractual lamang at tumatanggap ng kakarampot na suweldo.

Nabatid na binato ng mga militante nang nabubulok na kamatis ang harapan ng naturang mall ngunit hindi naman nagawang makalapit ng mga ito sa compound ng SM na napigilan ng pwersa ng mga guwardiya.

Pahayag naman ng grupong Kadamay, na simula lamang ito ng kanilang kilos-protesta kaugnay pa rin sa  Araw ng mga Manggagawa sa Mayo 1.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply