Militar vs. Abu Sayyaf: 4 patay

TATLONG government militiamen at hinihinalang Abu Sayyaf ang nasawi makaraang magkabakbakan sa Basilan ngayong umaga, Huwebes Santo, Abril 5.

Ayon sa inisyal na report Col.Ricardo Visayas, concurrent commander ng Joint Task Force Basilan at 104th Brigade ng militar, nagkabakbakan sa Block 29, Brgy. Tumahubong, Sumisip bandang alas-5:45 ng umaga.

Nabatid na nagpaputok ang bandidong grupo sa pamumuno ni Furuji Indama sa mga government forces na nagresulta ng pagkasawi ni na Nulmer Lumbos, Buddo Hatula at Papang Manjapal.

Habang isang Bakrim naman ang nasawi sa grupo ng mga bandido.

Nabatid na ang tropa ng 4th Scout Ranger Battalion ay nagsasagawa ng kanilang pursuit operations laban sa mga naturang bandido.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply