Minimum salary ng mga guro itataas na

PLANO nang itaas ang minimum salary grade level ng mga guro sa pampublikong paaralan na nagtuturo sa elementary at secondary mula sa Salary Grade 11 sa Salary Grade 15 dahil marami pa rin sa kanila ang nasa hanay ng kahirapan.

Sa iniakdang House Bill No. 6000 ni Rep. Ma. Theresa Bonoan-David (4th District, Manila) hindi binanggit ang katumbas na sahod sa Salary Grade 11 at 15 pero batay sa naunang ulat, ang Salary Grade 11 ay may sahod na P15,649, samantalang ang Salary Grade 15 ay P24,887.

Ayon kay Bonoan-David, habang patuloy na nakatatanggap ang Department of Education ng mas malaking bahagi sa national budget at habang nagsasakripisyo ang mga guro sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay bihirang kilalanin, mababa pa rin ang sahod ng mga guro kumpara sa ibang sahod sa ibang propesyon.

Sabi ni Bonoan-David na malinaw na kontra ito sa nilalaman ng Article II, Section 10 ng Constitution na nagsasaad na “itataguyod ng estado ang social justice sa lahat ng bahagi ng national development.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply