Misis kinatay ng ka-live-in sa harap ng anak

DAHIL pinapalayas ng bahay, kinatay ng isang lalaki ang kanyang ka live-in partner habang sugatan naman ang anak nila nang umawat ito sa away ng kanyang magulang Quezon City kagabi (Abril 26).

Dead on the spot sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Jenny Mexico, 23-anyos ng Barangay San Rafael, Quezon City.

Isinugod naman agad sa Quezon City General Hospital (QCGH) sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang kamay ang anak ng magka-live in na si Divine Joy, 4-anyos.

Hinahanting na ngayon ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) para panagutin sa krimen ang suspek na si JC Fomilla, alyas Balot, 27-anyos.

Ayon sa ulat ni P03 Gregorio Maramag, ng CIDU, naganap ang insidente dakong alas-8:15 kagabi sa loob mismo ng bahay ng magka-live-in.

Sa kuwento ni Divine Joy, sa hindi pa mamalang dahilan ay pinalalayas ng kanyang Mommy ang kanyang Daddy na humantong sa pananaksak kay Jenny.

Tinangka niyang umawat pero maging siya ay nahagip ng unday ng saksak ng kanyang Daddy na mabilis na lumabas ng bahay matapos ikasa ang krimen.

Hindi naman narinig ng mga kapitbahay ang komosyon sa loob ng bahay ni Jenny dahil tinodo ng suspek ang volume ng kanilang telebsiyon upang ikubli ang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply