Misis napatay ni Alakim ‘The Magician’

MAKARAANG kasuhan ng parricide sa sinasabing pagkakapatay ni Alakim, ang sikat na magician na galing sa reality talent show ay humiling ito na bigyan muna siya ng panahon na makapagluksa bago magsalita sa publiko.

Si Alakim o Allan de Paz ang sinasabing nakabaril sa kanyang misis na si Maricar matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo habang nasa harap ng kanilang bahay sa Marikina.

Sa pamamagitan ng official statement ni Alakim na idinaan sa kanyang abogado na si Atty. Jojie Alonso, hiniling niya na bigyan siya ng panahon na makapagluksa dahil sa matinding sakit na pinagdadaanan sa kasalukuyan.

Malalaman sa Martes, Abril 10 kung papayagan si Alakim na makapagpiyansa.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply