Misis pinagtataga ni mister sa Cebu

NASAWI ang isang misis makaraang pagtatagain ng kanyang mister dahil umano sa selos sa Cebu City.

Nabatid na pinagtataga sa dibdib at tiyan ng suspek na si Ferdinand Iglesia ang kanyang asawang si Susan sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Yate sa Liluan, Cebu.

Sumugod pa si Iglesia sa bahay ng kanyang pinagseselosan na si Fidel Guntan at pinagtataga rin ito subalit nakatakbo.

Nagtamo ng mga sugat si Guntan at ginagamot na sa ospital habang patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply