Miss World Philippines nakuha na ng TV5; GMA-7 pahinga muna sa beauty contest

WALA na sa GMA-7 ang Miss World Philippines beauty pageant at simula ngayong summer 2012 ay mapanonood na sa Manny Pangilinan station na TV5.

Balitang last Friday, April 13, ay nagkapirmahan na sina Cory Quirino at ang pamunuan ng TV5. Big event ito sa Kapatid Network dahil kilala na ito ngayon bilang beauty contest sa Pilipinas na nagbibigay ng malaking premyo sa mananalong kandidata na magre-represent sa Pilipinas sa 2012 Miss World Beauty Contest.

Ang last year winner na si Gwendolyn Ruais ay nakapag-uwi ng P3 million cash at isang condo unit.

Kaya sa ngayon, karamihan sa mga kababaihang nag-aambisyon na maging beauty queen ay sinasambit nang gusto nilang maging Miss World, di lang dahil sa malaking premyo kundi ang prestige na kauna-unahang Filipina na mag-uuwi sa bansa ng Miss World title.

Tulad na lang ng teenager pang si Rohama Riarte na reigning Ms. Olive C Campus Image Model 2012 ay target niyang ang Miss World Philippines ang salihan.

000

SUSUNOD na rin sa yapak ni Manny Pacquiao sa pagiging relihiyosa at pagiging wholesome-imaged ang maybahay niyang si Jinkee Pacquiao. Pumayag na si Jinkee na mag-host ng early primetime lifestyle talkshow na ang pawang tatalakayin ng show ay positive side ng mga maybahay na tulad niya.

Walang intrigang talk show ang ihu-host ni Jinkee na definitely nang i-air sa darating na Mayo.

May mga celebrity na bisita si Jinkee na kakausapin niya tungkol sa mga iba’t ibang topic na mga kababaihan na tungkol sa kanilang pagiging all around housewife. Tulad ni Jinkee, hindi lang siya maybahay ng Pambansang Kamao na si Manny, bagkus, ina pa siya ng apat na anak nilang mag-asawa. Bukod pa rito, si Jinkee ang overall na namamahala ng lahat ng negosyong tinayo ng mag-asawa ngayon na matatagpuan all over the country.

Samantala, ngayong Sabado umaatikabo na naman ang mga pakulo sa Manny Many Prizes.

At dahil summer na, makikipagkantahan at sayawan sa atin si Ms. Rufa Mae Quinto!

Samahan mo pa ng Candy Pangilinan at ang buong tropa ng Manny Many Prizes, di riot ang dating!

000

PARATING pangunahin kay Sen. Bong Revilla ang kanyang pamilya. Kahit busy siya sa pagiging senador ng bansa, artista at bilang host ng Kap’s Amazing Stories, tutok pa rin siya bilang padre de pamilya.

Higit sa lahat, bukod sa maybahay ni Congresswoman Lani Mercado, alalang-alala rin si Sen.
Bong kapag may karamdaman ang sinumang member ng kanyang pamilya tulad ng pagkakasakit recently ni Jolo.

Pero pagdating sa trabaho ay hindi rin marunong tumanggi si Sen Bong. Laging may oras siya sa taping ng Kap’s Amazing Stories tuwing Sunday sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras Weekend Edition.

Tampok ngayong Sunday ang Human Planet. Ang mga nabubuhay sa Earth na kung paano nagtutulungan ang isa’t isa. Paano mo matatagpuan ang balon sa gitna ng disyerto? Paano mo mapagkakasya ang tubig sa mga dambuhalang hayop? Ilan lang iyan sa tatalakayin sa Kaps.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply