Mister nagselos sa kapitbahay, nagbigti

SINASABING matinding selos sa kapitbahay ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang 42-anyos na mister sa Paco, Maynila ngayong hapon.

Natagpuan na lamang nakabitin sa kisame ang biktimang si Jose Ofelena, pedicab driver at residente ng 1927-A Campillo St. Paco, Maynila.

Ang anak nitong si Jerald ang nakakita sa pangyayari dakong ala-1:00 kanina sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Francisco Mendoza ng Manila Police District-Homicide Section, sinabi ni Jerald na huli niyang nakitang buhay ang ama dakong alas-5:00 ng umaga kung saan pinagsabihan pa siya na huwag lumabas ng bahay at matulog.

Gayunman, inatasan si Jerald ng inang si Marciana, 37 na bumili ng ulam bago umalis ng bahay ang huli.

Nabatid na bago umalis ang ina ay nag-away pa umano ang mag-asawa dahil sa pagseselos sa kanilang kapitbahay na hindi naman pinangalanan.

Pagbalik sa bahay ni Jerald nakita nito ang ama na nakabigiti gamit ang nylon cord.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Parlor para sa awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply