Mister ng dating political adviser ni Pacquiao nilikida

AGAD namatay ang mister ng dating political adviser ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Zone 10, Barangay Fatima, General Santos CIty.

Nabatid na sinundan umano ng mga hindi nakilalang suspek ang biktimang si Cris Gulle Jr., asawa ni Atty. Minvelez Gulle, ng Zone 2, Barangay Fatima habang sakay ito ng kanyang pulang motorsiklo.

Nagkaroon umano ng habulan sa daan bago nagawang dikitan ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima at saka binaril sa ulo.

Nabatid pa na dating kagawad ng barangay ang biktima at tumakbo bilang kapitan ngunit hindi pinalad na manalo.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente habang inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply