Miyembro ng ‘Sako Gang’ todas sa engkuwentro

TODAS ang isang miyembro ng sako gang, habang isa pa ang sugatan matapos makipagbakbakan sa pulisya kaninang madaling-araw sa Masbate.

Sa ulat, nakasagupa ng awtoridad ang anim sa miyembro ng grupo alas-3:00 ng madaling-araw kanina sa Sitio Piñon, Balud, kung saan isa ang tumimbuwang, isa pa ang nasugatan.

Nakuha sa lugar ng engkwentro ang isang garand na kalibre .30 na baril, isang M16 rifle at isang kalibre .38 revolver.

Patuloy naman ang manhunt operation ng pwersa ng Masbate Police Provincial Office (MPPO) at Masbate Public Safety Company para mahuli ang apat pa sa mga nakatakas na suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply