MMDA nagpaalala sa road repair ng DPWH

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta dahil sa mararanasang mabigat at masikip na daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila sanhi ng isinasagawang road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang maapektuhang mga lugar ay ang Muntinlupa, Makati, Manila, Mandaluyong,Quezon City at ilang bahagi ng kahabaan ng Edsa Avenue.

Dagdag pa ni Tolentino, na sinimulan ang naturang proyekto kagabi (Abril 20) at tatagal hanggang sa Lunes (Abril 23) kung saan nagsasagawa ng reblocking, pothole patching at paglalagay ng mga aspalto sa mga kalsada.

Nabatid, na ang mga apektadong kalsada sa Muntinlupa City ay ang Daang Maharlika at Montillano St.

Ang apektado namang sa lugar ng Maynila ay ang Magsaysay Boulevard, Sampaloc Phase 1, M. Roxas Bridge, Espana Boulevard, Welcome Rotonda, Lacson, Maria Clara, Nagtahan Flyover, Rulloba St., Bonifacio Drice, Qurino Avenue, P.M. Guanzon, South Super Highway, Ayala Boulevard, Marcelino St.,  Taft Avenue at Zobel Roxas.

Sa lungsod naman ng Quezon ay ang Congressional hanggang Fema Road North bound, Bansalangin hanggang West Avenue, A. Bonifacio Avenue, Santo Domingo, Mauban St., Araneta Avenue, Del Monte Avenue, Boni Serrano at  Fairview Avenue.

Apektado rin ang kahabaan ng Pasong Tamo sa may Don Bosco, Makati City at sa Mandaluyong naman ay ang Edsa Avenue, C2 Road, Santolan, N. Domingo, Ortigas.

Samantala, limitado lamang ang gagawing road repair sa kahabaan ng Edsa Avenue, dahil isa ito sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila, kung kayat magkakaroon ng re-schedule para sa road repair dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply