MMDA umalma sa report ng online travel website

INALMAHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang report ng online travel website na CNNGo.com na nagsasama sa Metro Manila sa World’s 10 Worst Cities for Driving.

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, walang sapat na basehan ang inilabas na listahan dahil kung tutuusin ay mas dispilinado na ngayon ang mga driver sa bansa.

Sa listahan ng CNNGo.com, ang Beijing, China ang nangunguna, sunod ang New Delhi, India at pangatlo ang Pilipinas na sinundan ng Mexico City, Mexico; Johannesburg, South Africa; Lagos, Nigeria, Sao Paolo, Brazil; Moscow, Russia; Toronto, Canada at Monaco.

Bagamat inamin ng nasabing site na hindi scientific ang pamamaraan ng kanilang listahan na kinuha sa IBM’s 2011 commuter pain survey, World Bank statistics at sa internet sources, hindi naman nila umano babawiin ang nasabing report.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply