Modus ng bunggo-kotse kasabwat ang MAPSA

NARANASAN n’yo na bang  mabiktima ng bunggo-kotse? Kung hindi pa ay mag-ingat kayo na baka minsan sa isang araw pagpunta nyo sa Makati ay kayo naman ang mabiktima ng sinasabing bunggo-kotse.

Ano nga ba ang modus-operandi ng bunggo-kotse at paano nabibiktima ng grupong ito ang mga inosenteng mamamayan?

Basahin natin ang isang text message mula sa isang concerned citizen.

Gud pm, Mr. Magalona, nabiktima ang pamangkin   kong babae ng bunggo-kotse sa Makati kamakailan.

Mabagal lang ang takbo ng minamanehong kotse ng pamangkin ko nang biglang may bumangga sa side ng kotse n’ya na isang mukhang disenteng lalaki na tumumba pa kunwari.

Biglang labas ng dalawang taga-Makati Public Safety and Assistance at tinakot sya.

Dinala nila ang mama sa ospital ng Makati.

Hiningan siya ng P2K ng umanoy misis ng biktima.

May isa pa umanong grupo na bata naman ang babangga at darating naman na hysterical ang pekeng nanay nito at hihingian ng pera ang biktima.

Siyempre kasama ang ka-sabwat na mga MAPSA.

Sa Kalayaan na malapit  sa OSMAK (Ospital ng Makati) po sila kung tumitira.

Sir Johnny, pakitawagan ng pansin si Makati Mayor Junjun Binay.

Matagal na umano ito, sabi ng mga nakausap namin. Thanks po.

Anton ng Makati

KOTONG SA EPD MAY BASBAS SI DD

Patuloy pa rin ang ginagawang pangongotong sa mga pasugalan ni alyas Rocky gamit  ang pangalan ni EPD DD Supt. Mario Soriano.

Maging si Supt. Soriano ay hindi umaaksyon para imbestigahan kung gaano katotoo na ipinagmamalaki ni alyas Rocky na may go signal niya ang ginagawang pangongotong.

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply