Moratorium sa demolisyon iginiit

IGINIIT ng isang obispo na dapat magpatupad ang gobyerno ng moratorium sa demolisyon sa mga urban poor sa bansa.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-NASSA na hindi dapat nagsasagawa ng demolisyon ang gobyerno kapag walang katiyakan na relocation sites para sa informal settlers.

“Patuloy nating ipinapanawagan yung moratorium sa demolisyon kung walang maayos at kasama sa maayos na relokasyon,disenteng pamumuhay at hanapbuhay. Iyon ang dahilan ng karahasang nangyari sa Paranaque City,Quezon city at San Jaun,” pahayag ng obispo sa panayam ng Radio Veritas

Nakalulungkot at nakagagalit din aniya ang nagyari sa Parañaque at sa lahat ng demolisyon dahil ang mga tao ay hindi magre-react kung naging maayos ang proseso at dapat ay dumaan sa batas at maayos na palinawagan.

Ipinihayag din ng obispo na posibleng iparating din nila sa United Nations human rights council ang reklamo sa administrasyong Aquino kaugnay sa mga marahas na demolisyon sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply