Mosyon ng Ampatuan clan ibinasura ng korte

IBINASURA ng Quezon City court ang tatlong mosyon na isinumite ng  Ampatuan clan na nahaharap sa kasong multiple murder sa karumal-dumal na 2009 “Maguindanao Massacre.”

Sa walong pahinang order ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221, ibinasura ang omnibus motion for reconsideration with a plea ad Cautelam for judicial determination of probable cause at ipagpaliban ang pagpapalabas ng warrant of arrest hanggat hindi nadedetermina ang dahilan at ang urgent motion para linawin ang pagpapatupad ng commitment order dahil sa kawalan ng merito nito.

Ang motion ay isinumite ng akusadong si dating Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan.

Ang korte ay nagpalabas ng kautusan upang alamin ang naturang kautusan nitong nakalipas na Marso  24, 2012 kung may probable cause para magpalabas ng warrants of arrest laban sa akusadong si Zaldy Ampatuan na kasalukuyang nakapiit sa Quezon City Jail Annex sa Bicutan Taguig City.

Sa kautusan ni Solis-Reyes itinakda nito ang arraignment kay Zaldy Ampatuan sa Abril 26, 2012 dakong 9:00 ng umaga sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sa kanyang first motion, sinabi ni Zaldy Ampatuan na ang korte ay nagpalabas nitong nakalipas na Marso 24, 2012 ng kautusan na umabuso sa kanyang hurisdiksyon at naapektuhan ang kanyang karapatan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply