Motor banca naistranded; 56 pasahero nasagip– PCG

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 56 pasahero ng isang bangkang de motor na nabalaho o naistranded sa karagatang sakop ng Dinagat Island.

Sa ulat na natanggap ngayon ni PCG spokeperson Lt. Commander Algier Ricafrente mula sa Coast Guard Detachment San Jose, 56 ang sakay ng MBca NEWS MPC-1 nang matengga sa bisinidad ng Kabayawan Islet, Dinagat, Dinagat Island dahil sa naglokong engine.

Sakay ng MBca Wing-Wing ang mga tauhan ng rumespondeng PCG, inilipat at inihatid sa kanilang tutunguhing lugar ang mga pasahero ng naistranded na bangka.

Sa inisyal na imbestigasyon, noong Abril 16 pa umalis sa Port of San Jose, Dinagat Island Province ang bangkang de motor na patungo sana sa Surigao City ngunit pumalya ang makina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply