Motor rider utas sa nakaalitan sa trapiko

PATAY ang isang back rider nang barilin ng nakaaway sa trapiko sa Old Sta. Mesa, Maynila kaninang hapon.

Sa imbestigasyon, nagkagirian sa trapiko ang mga biktima at suspek na pawang sakay ng motorsiklo na hindi pa nakuha ang mga pagkakilanlan.

Dahil dito, bumaba ang mga biktima sa kanilang motor para sana komprontahin ang suspek na huminto rin kasunod ng dalawa na agad nagpaputok ng warning shot.

Nang malamang may dalang baril ang suspek ay muling sumakay sa motor ang dalawang biktima pero pinaputukan ng suspek ang gulong nila, bago binaril ang naka-back ride na biktima.

Nang tangkang balikan ng dalawa ang suspek ay muli silang pinaputukan ng suspek, ikinahulog ng back rider kanyang tuluyang ikinamatay.

Tinutugis na ang suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply