MPD nakaalerto na para sa Mayo uno

NAKAALERTO na simula ngayong araw ang Manila Police District para sa pagdiriwang ng Mayo Uno o Labor Day sa Martes.

Ayon kay MPD Spokesperson Inspector Erwin Margarejo, nakatakdang i-deploy ang may 3,000 police personnel sa Lunes (Abril 30) ng hapon.

Bukod pa sa naturang bilang ay magtatalaga rin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), traffic enforcers sa ilang mga lansangan at establisimyento sa Martes.

Nabatid na nag-deploy na rin ng ilang kapulisan sa mga matataong lugar tulad ng malls LRT at MRT stations upang masiguro ang seguridad ng publiko.

Ayon kay Margarejo, posibleng magkaroon ng kaliwa;t kanang protesta mula sa mga militanteng grupo kaya naman tiniyak nila na maging mapayapa ang pagdiriwang ng Labor Day.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply