Muslim wedding sa Basilan niratrat, 2 utas

PATAY ang dalawa katao, habang 13 iba ang sugatan kabilang ang limang kababaihan matapos ratratin ng mga hindi nakilalang kalalakihan nitong Sabado ng gabi, Abril 1 ang mga nagdaraos ng bisperas ng Muslim wedding sa Sumisip, Basilan.

Sinabi ni Senior Superintendent Alex Linesis, Basilan police director, hindi pa makausap ang pamilya ng dalawang napatay na biktima kaya hindi pa mailabas ang kanilang pagkakilanlan.

Kinilala naman ang mga nasugatan na sina Loy Junjam, Nasri Saluan, Muamar Majang, Jamiro Amigos, Hassad Kunahi, Anasani Toki, Jaari Daia, Nuraifa Jaari, Aning Talani, Sahang Kambang, Bahia Bulansang, Mamang Bulansang, at isang Ibno, na pawang nagtamo ng  tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon pa kay Linesis, ang mga umatake na armadong lalaki na ngayon ay tinutugis na ay biglang sumulpot sa Barangay Tung Sengal habang ang mga residente rito ay nagkakasiyahan sa bisperas ng seremonyas ng isang kasalan.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga bumabati na nasa wedding party dakong alas-11:30 p.m. nitong Sabado, na ikinasugat ng 13 katao.

Nabatid na ang tunay na target ng mga salarin ay ang nagngangalang Muhammad Balakat, na nasa kasiyahan din pero hindi tinaman at nakatakas.

Naniniwala naman ang mga imbestigador na personal grudge ang motibo sa krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply