Naaning si Luis sa pagiging stage mother ni Ate Vi!

NAKAAALIW si Luis nang kunin namin ang reaction nito nu’ng araw na magkasama silang nag-ASAP ni Ryan Cristian. Tinawag pa nitong stage mother ang mommy niyang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto dahil maya’t maya’y ipinapa-check ang kalagayan ng kaniyang bunso kay Luis. Hindi kasi nasamahan ni Ate Vi si Ryan Christian sa Linggong yon sa ASAP.

“Dyusko! Umaga pa lang kinukulit na ako ni mommy. ‘Anak, alagaan mo si Ryan, kung kumain na ba yon? ‘Anak, ipa-make-up mo ‘yong bata. Anak, make sure na mag-rehearsal muna kayong dalawa.’

“Sabi ko sa mommy ko, last time she checked,’Mommy, anak mo ‘ko, hindi ako yaya ni Ryan.'” sumbong-reklamo ni Luis na alam naman nating nagbibiro.

“Grabe! My mom is a stage mother, kaya lang hindi nakikialam,” masaya nitong kuwento.

“Si mommy ‘yong gusto niya, bantay-sarado, pero hindi niya ipinaparamdam kay Ryan. Sobrang aligaga si mommy sa pag-aasikaso kay Ryan through me,” aniya.

—@@@—

AFTER winning as Best New Male Actor sa Star Awards for Movies sa PMPC last March 14, lalong dumagsa ang offer kay Rocco Nacino. Balitang may mga endorsement itong kinokonsider sa ngayon plus siya ang bida sa teleseryeng gagawin ng GMA7 ang, Lam-Ang.

Gaya ng Machete na ginampanan noon ni Aljur Abrenica, dito sa Lam-Ang susubukan din ang akting ni Rocco at ang pagpapakita nito ng katawan.

Bilang katutubo, magsusuot ng bahag si Rocco rito at idi-display ang katawang pinagpapantasyahan ng mga babae’t bading.

Aminado naman si Rocco na mayroon pa siyang dapat pakinisin sa parte ng kaniyang behind.

Tutal next month pa naman ang umpisa ng teyping ng nasabing serye.

Gaya ng Machete, tiyak na aabangan din ito ng maraming fans na sabik na sabik makita si Rocco sa kaniyang kaseksihan.

—@@@—

EXCITED na si Vina Morales dahil sa kauna unahang pagkakataon ay gaganap siya ng lead role para sa isang stage play mula sa Atlantis Productions na “Rock of Ages.” Ito na daw ang kukumpleto sa career n’ya dahil nga naman sa tagal na nya sa showbiz ay ngayon n’ya susubukan ang teatro.

Ani Vina, challenging para sa kanya ang teatro kaya’t talagang pinaghahandaan nito ngayon ang gagawin sa entablado para lang para ma-justify ang role. In fact matapos ang show niya sa Hawaii (kasama ang mga Kapamilya sa Star Magic US Tour with Erik Santos at Yeng Constantino) isisingit n’ya sa kanyang schedule na manood ng Rock of Ages tour (sa US) dahil blessing rin ang pagkakataong naroroon siya sa abroad dahil eksaktong mapanonood nito ang nasabing play roon.

Gusto nitong araling mabuti ang role bilang si Sherrie na isang stripper. Mag-uumpisa ang rigorous training ni Vina sa susunod na buwan para sa paghahanda ng opening ng Rock of all Ages sometime in June.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply