Nabubuntis na mga bagets dumarami

LOMOBO pa ang bilang ng mga kabataang nabubuntis sa bansa ayon sa pahayag ng National Youth Commission (NYC).

Ayon sa NYC, lumabas sa pag-aaral ng United Nations Population Fund na sa nagdaang 10 taon ay tumaas ng 70% ang bilang ng mga teenager na nabubuntis sa Pilipinas.

Posible umanong may kinalaman dito ang kakulangan sa impormasyon sa pagplaplano ng pamilya, partikular sa mga pamilyang konserbatibo.

Sa huling tala ng National Statistics Office (NSO), nasa 99.5 milyon na ang populasyon ng Pilipinas.

Posible pang madoble ito kung hindi maisasaayos ang pagpaplano ng pamilya.

Matatandaang mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko ang Reproductive Health (RH) bill, kung saan pinapayagang makapamili ng pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya ang sinuman.

Nais ng Simbahang Katoliko na natural contraceptives lamang o pagpipigil ang gamitin ng mga Katoliko.

Gayunman, umamin ang maraming Katoliko na matagal na silang gumagamit ng pills at iba pang contraceptives na ipinagbabawal ng simbahan.

Maging ang ilang mambabatas na hayagang tumututol sa unnatural contraceptives ay umamin sa off-the-record interviews na gumamit sila ng condom, pills, injectable at iba pang uri ng pagpipigil sa panganganak na hindi inaaprubahan ng simbahan.

Sa ngayon ay natutulog pa sa plenaryo ang panukalang batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply