Nag-leak na sensitibong dokumento sa Vatican iimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pope Benedict XVI ang pag-leak sa media ng ilang sensitibong dokumento ng Vatican.

Sa katunayan, bumuo na ang Santo Papa ng investigating team na tinawag na Commission of Cardinals na pamumunuan ni Retired Cardinal Julian Herranz ng Spain, Jzef Tomko ng Slovakia at Salvatre de Giorgi ng Italy, para sa nasabing leakage.

Aalamin ng Santo Papa kung paano naganap ang nasabing leakage.

Magugunitang, napaulat noong buwan ng Enero at Pebrero ang tinatawag na “vatileaks,” na naglalaman ng katiwalian at hindi maayos na pamamahala sa Vatican.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply