Trapiko sa NLEX-SLEX sumisikip na naman

SIMULA nang sumikip ang trapiko sa Pulilan exit ng NLEX southbound nang sabay-sabay na nagsiuwian kanina ang mga nagbakasyon sa kani-kanilang lalawigan sa paggunita ng Semana Santa.

Nabatid na libu-libong mga pasahero mula sa lalawigan ang pabalik na sa Metro Manila, kaya todo alerto pa rin ang pulisya para sa pananatili ng seguridad.

Nauna nang ipinahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na asahan nang simula bukas, hanggang sa Martes ng umaga ang pagdagsa ng mga pasaherong pabalik ng Maynila mula sa bakasyon.

Maliban sa NLEX at maging sa SLEX, unti-unti na ring tumataas ang bilang mga  pasahero sa mga paliparan partikular na sa NAIA Terminal 3 at mga pantalan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply