Nahahatulang human trafficker dumarami

INIHAYAG ni Vice President Jejomar Binay na tumaas ang bilang ng mga hinatulan sa kasong human trafficking at illegal recruitment sa Pilipinas, kumpara noong nakalipas na administrasyon.

Sa ginanap na pulong pambalitaan, ibinalita ni Binay na umabot na sa 66 kaso kaugnay sa human trafficking at illegal recruitment ang naresolbahan ng iba’t ibang korte simula nang manungkulan si Pangulong Aquino.

Ito ay mas mataas sa 20 kasong nahatulan noong panahon ni dating Pangulong Arroyo.

Ayon sa Presidential Adviser on OFW Concerns, malaking ambag sa mataas na conviction rate ay ang kooperasyon ng mga biktima ng human trafficking at illegal recruiter.

Nanawagan din si Binay sa media at sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng paalala sa mga magiging biktima na huwag maniwala sa mga magagandang pangako ng illegal recruiter.

Umapela rin si Binay sa Kongreso na amyendahan ang probisyon ng Ant-Trafficking Act kung saan ipinagbabawal sa media, law enforcers at sa mga non-government organization pangalanan ang mga human trafficker.

Naniniwala rin si Binay na ginagamit ng mga human trafficker ang nasabing probisyon ng batas upang maipagpatuloy ng mga ito ang pangangalap ng mga magiging biktima lalo na sa mga lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply