Nahuhurot na ba ang datung sa casino? Palaos na diva hangap sa give away!

SHOCKING! Ang mag-amigang reporter nang makasabay nila sa elevator ang sumikat namang diva na ang manager ay naging controversial dahil sa kaliwa’t-kanang estafa cases. Kalokah!

Pababa na siya ng ground floor kasabay ang amigang reporter/photographer galing sa event na kinantahan nang makita nitong may bitbit na give away ang ilang press. Nag-dialogue ito na babalik raw sila sa 5th floor ng hotel para makahingi nga ng give aways.Kalukring! Kung kami nga ng FF (friends foreever) kong columnist/broadcaster ay hindi naman mga pabolosa ang kita sa showbiz. Hindi kami nagtitilam-tilam sa mga gift pack na ‘yan, pagkatapos ang nasabing diva na palaos na pero hindi pa rin naman nawawalan ng raket sa show ay hangap pala sa mga ganitong bagay.

Siguro, totoo nga na like her manager ay lulong na rin talaga sa casino ang singer na ito na naging reyna sa pagkanta ng mga sikat na Koreanovela sa GMA7. Clue, ask nyo na lang ang friendship nitong si Joey S. Siya na gyud!

(Mukhang hindi naman seryeso ang diva, te, in all fairness. She seemed to be joking! – Ed)

***

Awayang Ara Mina-Cristine Reyes at transgender tatalakayin sa The Buzz bukas

KUMPIRMADONG sinampahan na ni Ara Mina ng kasong libel at grave coercion sa Quezon City Regional Trial Court ang half sister ring actress na si Cristine Reyes. Ang mga malisyoso at pananirang text messages ni Cristine sa kanya ang nag-trigger kay Ara para kasuhan na ang kapatid. At dahil hindi nagpapahuli ang The Buzz sa mga ganito kalaking isyu.

Bukas, isa ito sa tatalakayin ng mga respetado at mahuhusay na hosts ng No. 1 sunday showbiz talk show sa pangunguna ng ating King of Talk na si Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales. At kung nabitin kayo noong nakaraang linggo sa national issue tungkol sa usapin ng transgender kung saan naging controversial ito dahil na-question ang contestant sa International Beauty Pageant na si Jenna Talackova na isa ngang certified transgender o transsexual.

Pero naging malaking pabor ito dahil payag na ang mga tao sa likod ng Miss Universe na sumali ang mga transgender sa kanilang globally famous beauty pageant. At bilang parte ng Ladlad Party-list (nag-resign na siya sa nasabing party-list dahil kay Nanay Lecing, te – Ed), very vocal si Kuya Boy sa pagsang-ayon na maging part ng Miss Universe ang mga kapatid nating transgender. Sumasalungat naman dito ang kanyang mga naggagandahang co-hosts na sina Charlene at Toni. Naku! Masarap panoorin ang mga ganitong isyu plus exlusive stories, interviews at mga bagong pasabog nila na tiyak na ikawiwindang ninyo. Mapanonood ang The Buzz, every Sunday at 4:00 to 6:30 PM after LUV U over Kapamilya network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply