Nakaaaliw katsika si Daniel Padilla!

ALIW na aliw kaming katsikahan si Daniel Padilla sa presscon ng Princess and I na magbubukas ngayong gabi sa ABS-CBN. Isa siya sa kapartner ni Kathryn Bernardo. Para siyang si Robin Padilla magsalita at magkikilos.

Ano ang comment niya na parang ginagaya si Robin?

“Hindi naman po. Siguro dahil pareho ang apelyido namin at ganito po kaming mga Padilla. Wala pong intension na gayahin. Siguro habang tumatanda, ganoon po talaga, e! Nasa pamilya po ’yan. At saka hindi lang po si Tito Robin, kahit kapatid ko po na babae, ganyan magsalita,” aniya.

Ano ang comment niya sa image ng mga Padilla na ‘babaero’?

“Kami pong mga Padilla, hindi kami mahilig sa babae. Nagkakataon lang na talagang maalaga kami sa mga babae. At kaya dumarami ang mga babae kasi hindi maganda ang relasyong kinakapuntahan kaya lumilipat nang lumilipat.”

Seryoso ba talaga siya kay Kathryn o promo lang ito ng bago nilang serye?

“Ako po ay hindi ma-promo at hindi matsismis na tao, e! Para masabi lang at para lumakas ang loveteam, hindi po ako ganoon, e! Ano po ako, kung ano ang gusto kong sabihin. Naisip ko po na wala namang dahilan para itago. Napaka-special po talaga ni Kathryn para sa akin,” aniya.

Ano naman ang comment niya sa pagpapakababae ng Tito Rustom Padilla niya na ngayon ay kilalang BB Gandanghari?

“Sa totoo lang po, wala pong galit kasi pamilya po ‘yan, e! At saka kadugo siyempre. Basta masaya siya at walang natatapakang tao,” sey niya.

Ano ang tawag niya?

“Tita Bebe,” tumatawa niyang sagot.

Nagka-bonding na rin daw sila at mabait ito.

“Kasi nu’ng nasa US pa po siya, sabi niya napapanood niya ako run. Nakatutuwa po at saka sabi niya, magaling daw pong trabahong ginagawa ko.”

Hindi ba siya na-culture shock nu’ng makita niya ngayon?

Hindi naman po. Makikita po talaga sa mga mata niya na masaya po siya sa mga ginagawa niya at sa nangyayari sa kanya po ngayon.”

May isyu na parang hindi pa tanggap ng Tito Robin niya si Bebe?

“Lahat naman po ay kailangan ng oras. Hindi naman po biglaan. Siyempre po si Tito Robin at si Tito Rustom ay talagang dati ay sobrang close. At saka magkapatid po ‘yun, e! Hindi naman po natin masabi kung ano talaga ang nararamdaman po nila.”

Pero kung halimbawang magkakaroon siya ng kapatid na kagaya ni Bebe, matatanggap ba niya?

“Opo naman. Kung sila papa (Rommel Padilla), natanggap, dapat ako rin po, di ba? At saka ‘yung mga ganoong tao ay nakatutuwa, di ba?”

Okey lang ba sa kanya ‘yung isyu sa Tita Bebe niya na magpa-sex change?

“Wala po akong masasabi riyan. Para sa akin, hindi sa nagpapaka-safe pero kung saan siya masaya, wala naman pong problema,” broadminded niyang sagot.

Anyway, kasama ni Daniel sa pinakamalaking Primetime teleserye ng ABS-CBN na The Princess and I sina Albert Martinez, Gretchen Barreto, Dominic Ochoa, Enrique Gil, Khalil Ramos, at Kathryn Bernardo.

Tiyak na kagigiliwan ng buong pamilya ang pinakabagong obra na matutunghayan sa Primetime Bida dahil sa engrandeng paghahanda ng teleserye mula sa mga magagarang costumes hanggang sa pagdayo ng cast at crew sa Kingdom of Bhutan para kuhanan ang mga tagpo sa kaharian ng Yangdon.

Kabilang din sa ‘royal cast’ ng teleserye ang ilan sa mga naglalakihang pangalan sa industriya na sina Yayo Aguila, Nina Dolino at Sharmaine Suarez. Ang Princess and I ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at Francis Pasion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply