Nakatampuhan si misis, mister nagbigti

PAGBIBIGTI ang ginawang solusyon sa problema ng 32-anyos na negosyanteng mister, matapos makatampuhan ang kanyang misis sa Sampaloc, Manila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Jonathan Hanoria, negosyante ng 1079 Fajardo St., Sampaloc.

Sa ulat ni Det Charles John Duran ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ala-6:20 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima ng kanyang misis na si Theresita, 31, sa unang palapag ng kanilang bahay.

Sa salaysay ng ginang, una nang napansin ang kanyang asawa na nakabigti, bagamat inamin ng ginang na matagal na umano silang may problema sa kanilang pagsasama na hinihinalang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang mister.

Gayunman, nabatid na tumanggi ang ginang na paimbestigahan pa ang pagkakamatay ng kanyang mister dahil naniniwala siyang walang naganap na foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply