Nakikikain na lang ng libre sa Bora? Jaycee Parker matagal nang naghihirap

HINDI na bago sa amin ang isyung pakalat-kalat ang Viva Hot Babe member na si Jaycee Parker sa Bora at nakikikain na lang ng libre sa mga kakilalang nagbakasyon nitong Holy Week lang.

Alam na kasi namin na matagal nang naghihirap itong si Jaycee lalo na noong nagli-live-in pa sila ni Danilo Barrios sa isang maliit na apartment sa may Antipolo. Dahil sa kawalan minsan ng raket ay nadi-delay sa pagbayad ng kanilang monthly rentals ang mag-live-in.Pati nga electric bills nila hirap din sila sa pagbayad.

May chika pang nga para ma-settle lang ang kaliwa’t-kanang utang ay suma-sideline itong si Jaycee sa pagpapa-booking. Magkano lang naman kasi ang kanyang take home pay tuwing may show sila ng sikat pa nila noong grupo na Viva Hot Babes? Sabi 70% ang kinakaltas ng Viva sa kanila so 30% lang paghahatian ng grupo. ‘Yung last movie ni Jaycee na “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” ay okey naman sana ang TF niya roon kaso bulagsak rin sa pera ang nasabing sexy star kaya wala rin. Kaluoy (kawawa) na nilalang gyud!

***

‘Moron 5 and the Crying Lady’ kumita raw bakit walang pila

ILANG kaibigan namin ang nagawi recently lang sa SM North Edsa. Napadaan sila sa Cinema 11 ng Mall kung saan showing ang Moron 5 & The Crying Lady ni John Lapus na sabi sa press release ng mga pralalaic ng comedy film na ito ni Direk Wenn Deramas ay kumita na ng P50 million.

Yes, nagpatawag pa nga sila ng Thanksgiving party sa press people na mga nakatulong kuno sa project. Say pa ng mga amiga namin, hindi totoong hit ang pelikula ni John dahil walang pila.
Mabuti pa nga raw ‘yung “Corazon: Ang Unang Aswang” nina Erich Gonzales at Derek Ramsay under Star Cinema kahit nasa 4th week na ay pinipilahan pa rin. Sana naman kasi magpakatotoo ang mga taong nasa likod ng movie na ‘to at hindi ‘yung niloloko nila ang mga tao. Pasintabi na lang sa anak ni Gov. Vilma Santos na si Luis Manzano na ka-join sa casts. Alam n’yo naman ang inyong kolumnista, roon lang sa katotohanan at ayaw namin sa kasinungalingan!

***

The Buzz raratsada na naman bukas sa kaliwa’t kanang hot issue!

ILAN sa mga istoryang dapat abangan mamaya sa The Buzz na instant ay lilinawin ng nasabing number one Sunday showbiz talk show ay ang mga sumusunod: Ang pagri-resign ni Direk Bobet Vidanes sa “It’s Showtine” dahil daw kay Vice-Ganda, ang paglipat ni Derek Ramsay sa TV5 at ang diretsahang reaction ng girlfriend nitong young actress na si Angelica Panganiban, ang awayang Amalia Fuentes at Annabelle Rama at ang kalat na kalat sa iba’t ibang site sa Internet o social media na pagbubuntis diumano ni Dominique, daughter ng isa sa star ng Princess and I na si Gretchen Barretto.

Hindi lang yan, siyempre exciting ding panoorin ang mga segment ng mahuhusay na hosts rito na sina Kuya Boy Abunda sa kanyang Big Truth, Fresh Buzz ni Toni Gonzaga at si Charlene naman sa kanyang very touching and hearty segment na Celebrity True Stories. Humanda rin sa mga pasabog na issue sa nturang programa na hindi kayang kabugin ng ibang mga showbiz talk shows.

Si Onat Diaz ang director ng The Buzz samantalang si Sir Louie Andrada naman ang Business Unit Head at si Ms. Nancy Yabut naman ang Executive Producer. Head naman ng production ang aming beloved angel na si Sir Roxy Liquigan with his dear friend Sir Mico del Rosario.

Mapapanood ang The Buzz every Sunday from 4:00 to 6:30 PM after LUV U sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply