Naniniwala sa edukasyon si Janice de Belen

FOR some years pala, sa Southridge International School pinag-aaral ni Janice de Belen ang mga anak nila ni John Estrada. At ang ibig sabihin nu’n ay malakas palang kumita si Janice (pati na rin nga siguro ang ex-hus-band n’yang si John Estrada na sinusuportahan naman ang pag-aaral ng mga anak nila).

Hindi mura ang tuition sa mga international school kaya nga bihira sa mga showbiz idol at sa mga anak nila ang nakapag-aaral sa ganung klaseng eskwelahan.

For instance, sa original International School sa Pilipinas sina Sharon Cuneta, Pops Fernandez, at ang anak ni Sharon na si KC Concepcion lang ang alam naming naka-afford na mag-aral.

(Mayamang politician ang stepfather ni Pops, at sa Forbes Park nga lumaki ang singer/actress.)

Actually, sa cooking show ni Janice na Spoon sa Net 25 namin napag-alaman na nung sa Alabang pa sila nakatira, sa Southridge nag-aaral ang mga anak niya kay John (at posibleng pati si Iggy Boy na anak naman n’ya kay Aga Muhlach). Madalas ay may live audience ang show at ang kanilang kinukuha ay mga Culinary Arts students sa iba’t ibang schools. And one very late night na napanood namin ang replay ng isang episode, in-acknowlege n’ya ang mga taga-Southridge na bahagi ng live audience sa studio (Sorry, hindi namin maalala kung sino yung celebrity guest na nagluto ng episode na ‘yon.). Bukod nga sa pagsasabing sa Southridge nag-aral noon ang mga anak n’ya, nabanggit din ni Janice na siya ang naging guest of honor nu’ng inauguration ceremonies ng eskwelahan. (Actually, may isang Culinary Arts teacher from Southridge na nag-guest chef sa Spoon.)

Pero hindi sa Southridge nag-aral ng Culinary Arts si Janice kundi ru’n sa eskwelahang pag-aari ni Gene Gonzales kung saan nag-aral din si Judy Ann Santos. Alam namin na bago nagpasya si Janice na mag-aral ng Culinary Arts, sinubukan muna n’yang mag-aral ng Psychology sa Ateneo de Manila University ng isang semester. Maraming research at off-classroom curricular activities ang Psychology kaya siguro hindi na n’ya ipinagpatuloy yon. Mas less time-consuming siguro yung Culinary course na pinag-aralan ni Janice sa school ni Gene Gonzales.

Samantala, may two or three years na siguro yung Spoon n’ya sa Net 25 and it’s nice to know na buhay na buhay pa rin ito kahit na madalas itong mag-replay. It’s also nice to know as we recently discovered, na may celebrity professional chefs pala na naggi-guest din sa Spoon. Mismong si Gene Gonzales nga ay nag-guest na rin dun pero parang promo yun para sa bagong Chinese culinary school and restaurant na itinayo nito (Nung nag-guest chef si Gene, ini-announce ni Janice na binigyan siya nito ng scholarship para sa Chinese Culinaly Art).

Ang isa pang bigtime professional chef na nag-guest na napanood namin sa Spoon kamakailan ay si Bruce Lin na the only Filipio chef na may show sa Asian Food Channel (AFC): si Bruce Lin. (Actually, at present, dalawa pa nga ang shows ni Bruce sa nasabing cable channel: ang The Boss at ang Tablescape, bagama’t itong huli ay parang mga replay lang– at kasama n’ya sa show si Angel Aquino para mag-host ng travelog part ng show na ang ikiu-cover ay iba’t ibang lugar at pagkain sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply